Naloka ako sa experience ko sa pagkuha ng TOR sa San Sebastian College.  I filled the application Monday, September 25, 2017.  Bago ako nag-fill, I asked several people from the Registrar kung puede expedite kasi need ng Friday ang TOR.  Puede daw?  I asked kung magkano, expedite.  Sabi walang payment ang expedite.  Regular na yong TOR payment.  OK, fill na ako ng application.  Sabi, kuha daw ako ng form sa SLOT No. 5.  Of course, di ko alam yong Slot Number 5 na yon.  1988 pa ako graduate sa Baste.  That was 29 years ago.  Do you expect na alam ko pa lahat sa school?  Baka ibang school na ang alam ko.  When I read the form there, CLEARANCE.  Clearance pa rin?  Sabi ko in my surprise.  29 years ago, nagclearance na di ba bago mag-graduate.  So, ano gagawin.  Pasign daw ako sa Window 7, sa dean at sa library.  WAh... Ang dean ay nasa 4th floor ng isang building.  Umakyat ako... hirap umakyat kasi walang elevator ang school until now.  I rested in every floor kasi may HEART FAILURE ako at bawal ako mapagod.  But, I yield to what I know a sound system.  Pag dating ko sa 5th floor, nagtanong ako kung nasaan ang dean's office ng AB kasi ang nakalagay lang Dean ng Commerce.  Sabi isa na lang daw ang office.  I went in.  HInahap ko kung sinuman yong dean na yon.  Sabi umupo raw muna ako.  Sabi nong maliit na baba na mataba.  So, umupo ako sa monoblock na nakalinya.  Naghihintay ako ng isang dean na dumating.  After 15 minutes, nagsalita ang babaeng mataba.  Inutusan niya ang batang nakaupo sa isang table sa harap ko at across her.  Meron siyang pinatawag na name.  Dumating ang  babaeng tinawag.  Siya daw ang dean.  So, binigay ko ang dala kong papel.  Halos di binasa at pinirmahan.  Ay sus naman.  15 minutes akong pinahintay eh di naman pala tinawag ang pipirma.  Di ko man maintindihan ang kanilang systema at nag uumpisa na akong mainis... sinabi ko yon sa Registrat's Office.  Sabi sa akin, isa na lang daw ang dean.  Alin don?  Yong mahaba ang buhok or yong maiksing buhok.  Maigsing buhok.  Ah, yong babaeng mataba na pinaupo at pinahintay ako ng 15 minutes.  Di ba?  Galing ng Dean nila... feeling ko nasa opisina ako ng gobyerno kasi huli kong naranasan ang ganun sa City Hall ng Manila na ang tinanungan ko kung nasaan yong tao na hinahanap ko at pinahintay ako sa taong yon ay yong mismong taong hinahanap ko.  Weird di ba?  Pumunta ako sa library at sinabi sa akin na namalaki na raw ang improvement ng school mula ng ako ay mag-graduate.  Lumaki na daw ang library pero parang kumitid ang kanilang kaalaman.  Dumami na daw ang mga libro pero parang di sila nagbabasa.  Computerized na daw pero wala akong nakitang computer ni isa.

Sumunod ay pumunta ako sa Window 7.  Yong babaeng naka-uniform doon ay nag isa isa ng mga folders sa loob ng 30 minutes.  Computerized library?  Bakit di computerized ang Accounting Dept at nasa folders pa rin na kulay blue ang mga previous files na 29 years na.  Nauunawaan nyo ba ilang files ang titignan kung isang taon isang folder yon?  Natapos ang pagbubuklat.  Pinapunta ako sa Cashier at nagbayad ng 300 plus.  Pinabalik ako sa Window 7.  Sabi ko bakit?  Para daw sa pirma.  Pumunta ako sa Window 7.  Kinuha ang form at nakita kong inilagay sa isang folder.  Sabi ko, teka wala bang receiving copy yan or any slip na magpapatunay na kunuha nyo ang form?  Sabi nong babae sila na daw ang nag turn over sa Registrar.  Sabi ko?  Bakit?  Sabi wala daw kasi ang pipirma.  Absent.  Ah, dahil walang mga pare kaya maraming absent?  Sabi ko expedite yon dahil kailangan na sa Friday.  Ganun pa man, pumunta ako sa Registrar upang sabihin ang sinabi sa akin.  Binigyan ako ng telephone number upang magfollow up.  Dahil sa lumipas ang Friday at wala pa, tumawag ako sa Registrar ng October 3, Tuesday.  Grabe ang San Sebastian College sa sagot.  Di pa napipirmahan ang TOR na supposedly expedite ng Friday ng nakaraang linggo.  Ano kaya?  Ang pipirma ay absent mula pa noong Sept. 25.  Kinuha ang aking telephone number at tatawagan na lang daw ako pagnapirmahan na ang TOR.  Lumipas ang Miyerkules, Huwebes at Biyernes.  Walang tawag.  Baka kasi sila ay opisinang pangpamahalaan kaya wala ng Sabado so tinawagan ko na ng Lunes, October 9, 2017.  Ano po ang sagot?  Di pa napipirmahan... ngunit merong akong nahalata, biglang tinanong anong pangalan.  Nagsabi muna na di pa napipirmahan bago magsabi ng anong pangalan?  Parang canned ang sagot.  Nang marami akong tanong, bigla transfer call sa Accounting at nakausap ko ang isang Jenny.  Sabi di pa nga raw napipirmahan so ang taong pipirma sa accounting ay wala mula pa noong Sept. 25.  Ang taong ito ay si Fr. Sia.  Sabi ko, I need the TOR today at 1 PM.  Papirmahan nyo sa paring si Sia ang TOR or ako ang pupunta sa Rectory upang gisingin siya ng ala-una.  At dahil sa nagfail na ang Registrar at ang TOR ay nasa Accounting, sinabihan ko ang Jenny na sa kanya ko kukunin. 

Pagdating ko sa San Sebastian, wala sa kanya at nasa Registrar na raw.  Ikaw?  Matutuwa ka ba?  Anong gagawin mo?

Comments